Bato: PH hindi pa handa sa pagba-ban ng mga paputok ngayong taon

bato dela rosa

INAMIN ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa  na hindi pa handa ang Pilipinas para i-ban ang mga paputok ngayong taon.

Sa isang press conference sa Camp Crame, sinabi ni dela Rosa na huli na para ipagbawal ang pagbebenta ng mga paputok dahil nakabili na ang mga gumagawa ng kanilang mga materyales.

“Baka hindi pa handa ang Pilipinas sa ganyang policy. Tignan natin next year, mahaba-haba ‘yung time sa information dissemination sa mga tao lalo na sa mga gumagawa ng firecracker, kapag hindi pa nakakabili ng components nila sa abroad,” sabi ni dela Rosa.

Matatandaan na noong Nobyembre, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinukonsidera niya ang tuluyang pagbabawal sa mga paputok matapos dalawang bata ang namatay sa pagsabog sa pabrika ng paputok sa Bulacan.

Naghanda na ang Department of Health (DOH) ng isang executive order (EO) na naglalayong ipagbawal ang paputok sa bansa.

Read more...