Sulat mula kay Aira ng Mascap, Rodriquez, Rizal. Problema:
1. Magdadalawang taon na po sana ang relasyon namin ng boyfriend ko kaya lang bigla siyang nagbago. Napansin ko lang ng hindi na siya masyadong pumapasyal sa bahay at madalang na rin nya akong tawagan. Hanggang sa nagpasya na akong kausapin siya at duon ko nalaman at inamin sa akin na may bago daw siyang girlfriend na ka-office mate nya. Humingi naman siya ng sorry pero hindi ko matanggap hanggang ngayon, masakit pa rin ang loob ko kasi mahal na mahal ko siya at pagkatapos ay niloko nya lang ako. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakabalikan pa ba kami ng boyfriend ko?
2. Mahal na mahal ko pa rin po kasi siya hanggang ngayon. November 2, 1989 ang birthday ko at August 12, 1988 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Aira ng Rodriquez , Rizal
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi mo naman ka-compatible ang boyfriend mong isinilang sa zodiac sign na Leo. Ibig sabihin nakatakda na ngang magkakahiwalay din kayo, upang pag katapos, sa piling ng isang Cancer na paparating pa lamang habang buhay ka ng mgiging maligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 2 ay nagsasabing papalarin ka sa bilang na ikalawa, hindi lang sa pakikipag-boyfriend kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Halimbawa, sa pag-aabroad, kung hindi kaman palarin sa una, sa ikalawang pag-aabroad papalarin ka na. Ganon din sa anak, ang ikalawang supling ang magiging pinaka-masuwerte mong anak.
Luscher Color Test:
Mas madali mo namang mapapanatili ang magandang kapalaan kung lagi kang magsusuot at gagamit ng klya na berde, dilaw at pula. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng mas madami pang suwerte at magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Aira ayon sa iyong kapalaran, okey lang na mawala at iniwan ka ng unang boyfriend mo, hindi pa naman sa kanya natatapos ang buong istorya at kasaysayan ng buhay pag-ibig mo. Dahil sa taong papasok 2017 sa buwan ng Enero hanggang Abril isang lalaking may initial na D.Y. ang darating, liligawan ka nya at sa mabilia na panahon, agad kayong magkakaiigan na dalawa hanggang sa mauwi ang nasabing matimyas at wagas na relasyon sa pag-aasawa at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Magkakabalikan pa ba? (2)
READ NEXT
Feast of St. John
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...