Mas masarap ang mamigay kesa tumanggap

TO serve and protect. Magsilbi at magtanggol, yan ang motto ng Philippine National Police (PNP).

Para sa maraming pulis, ang motto na yan ay mga kataga lamang at walang kahulugan.

Nasaksihan ko ang kawalan ng halaga ng motto na nabanggit nang ako at aking mga staff sa “Isumbong mo kay Tulfo” ay nagbaba at nagbuhat ng mga malalaking baskets ng grocery, mainit na pagkain at sako-sakong tsinelas para sa Christmas party ng mga mahihirap noong Sabado, Dec. 24 sa Camp Karingal, Quezon City.

Pagsilbihan ang mga mahihirap na mga guests sa Christmas party sa Camp Karingal?

Hindi ko nakita yan sa asal ng mga pulis na naroroon sa covered court ng Camp Karingal kung saan gaganapin ang Christmas party.

Walang pulis na na-assign para sa pagtitipon na yun ang tumulong sa amin upang magbuhat ng mga gamit ay pagkain para sa Christmas party.

Nakatingin lang sila habang binubuhat namin ang mga pagkain, grocery at gamit papuntang stage ng covered court.

Walang ni isang tumulong sa amin.

I shook my head in disgust at sinabi ko ang aking impression kay Chief Supt. Guillermo “Guilor” Eleazar, chief ng Quezon City Police District (QCPD).

“Guilor,” bungad ko sa kanya, “ibang-iba na ngayon ang mga pulis di gaya ng mga PC dati.”

Napatango na lang si Eleazar.

Ang PC ay Phiippine Constabulary na forerunner ng PNP.

Ang mga PC ay handang tumulong sa mga sibilyan kahit na ang kanilang motto ay “Always outnumbered but never outfought.”

Kararating lang ni Eleazar sa covered court kaya’t hindi niya nakita ang hindi pagtulong ng kanyang mga tauhan sa amin.

Napag-isipan kasi ni Eleazar at ng inyong lingkod na maghandog ng Christmas party para sa poorest of the poor sa Quezon City.

Pinahakot ni Eleazar ang mga 150 scavengers at kanilang mga pamilya sa Payatas dumpsite at sa mga sidewalk kung saan nakatira ang ilang scavengers sa mga kariton.

Maliban sa maliit na gusot, the Christmas party was a huge success.

Binigyan namin ang aming mga panauhin, kasama ang kanilang mga anak, ng mainit na sopas sa medium-size bowls, tinapay at soft drinks.

Binigyan sila ng mga tsinelas at tig-iisang bag na puno ng groceries.

Binigyan din ang bawat pamilya ng thick blankets.

Pagkatapos nilang kumain ay luminya sila sa ice cream cart at cotton candy cart na inupahan namin para sa okasyon.

The guests had a grand time.

Ang tanawin ng mga pulis na nakasuot ng sombreo ni Santa Claus at nagbibigay ng groceries ay nakakatuwa.

For one moment, ang mga bisita, na nakatira sa Payatas kung saan maraming mga kriminal at drug addicts, at ang mga pulis ay nasa friendly grounds.

Seeing the joy in the faces of the guests, sinabi sa akin ni Eleazar, “Mon, napaganda ng pakiramdam na nakikita mo na tuwang-tuwa sila sa mga binibigay natin. Hindi mabibili ng pera ang kasiyahan ko.”

***
Mahirap ngang mapantayan ang kaligayahan na nararamdaman mo kapag ikaw ay nagbibigay sa mga kapus-palad.

Alam mong much appreciated ang ginawa mo sa kanila.

Nakakataba ng puso, ‘ika nga.

Yan ay nagpapatunay lamang sa kasabihang “it’s better to give than to receive.’’

Mas masaya ka kasi kapag ikaw ay namimigay kesa doon sa ikaw ay nakakatanggap.

Ibig sabihin kasi ay sobra ang biyaya mo kaya’t ikaw ay namamahagi samantalang kung ikaw ang binibigyan kapos ka sa gamit.

Read more...