HABANG isinusulat natin ito, ang bagyong si Nina (International name Nock-ten) na may lakas na 175-215 kilometer-per-hour ay nakapaglandfall na sa Catanduanes.
Ngayon ay bumabaybay na ito sa Quezon, lusot ng Lipa, Batangas at Sangley, Cavite, ilang kilometro lamang sa ibaba ng Metro Manila.
Ikinukumpara si Nina sa bagyong si Glenda (Rasmassum) 150-185 kph noong July 2014, na parehong sa Bicol nag-landfall; pero ang mabigat umabot ng 195 katao ang namatay noon. Karamihan sa mga namatay ay dahil sa mga bumagsak na puno lalo na sa MIMAROPA, CALABARZON at Metro Manila.
Nauna rito si Santi (Nari) na nangyari noong Oktubre 2013 (140185kph) kung saan 15 katao ang namatay pero malapit din ang dinaaan sa Metro Manila.
Nalakasan tayo kay Milenyo (Xangsane) 130-160kph noong September 2006, na dumaan mismo sa NCR kung saan 197 katao din ang namatay at 22 iba pa ang nawala, pero mas mahina ito kung ikukumpara ngayon kay Nina.
Mga leksyon na lalo dapat tayong mag-ingat dahil magiging malakas ang hangin, maulan ang buong araw ngayong Lunes dito sa Metro Manila kahit expected na hihina sa landfall ang bagyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa), “moderate to heavy” pa rin ang ulan na dala nito, kayat double whammy. Ang problema pa, mukhang sa gabi ito dadaan sa atin kung hindi siya magbabago ng direksyon.
Unang-una, tayong mamamayan ay kumilos agad-agad para gawing ligtas ang sariling tahanan. Magkaroon ng plano at kung kinakailangan ay lumikas. Ayusin ang mga flashlights, de-bateryang electric fans at iba pa.
Ikalawa, i-secure natin ang ating paligid, makipagtulungan sa kapitbahay o barangay para malaman kung paano ang mga dapat gagawin.
Kontakin ang mga otoridad, pulis, rescue, city hall para sa agarang responde.
Ikatlo, makinig sa radyo o telebisyon o kaya’y sa newswires para sa mga totoong mga balita.
Kapag ganitong may paparating na bagyo sa Metro Manila, inaasahan nating gising na gi-sing ang mga mayor ng 17 bayan dito. Gising din dapat ang mga lokal na opisyal sa mga ha-zardous areas tulad ng Marikina river, Manila bay at mga landslide prone na lugar sa Antipolo at iba pang bahagi ng Rizal.
Isa sa pinakamalapit na panganib ay ang mga malalaking puno, poste o pader na karaniwang tumutumba o bu-mabagsak kapag mayroong malakas na bagyo. Itawag ito sa mga otoridad upang patibayin nang hindi makapinsala kapag lumakas na ang hangin.
Ang NDRRMC ay doble dapat ang magi-ging trabaho dito lalo na sa mga tutulong sa mga mapipinsala ng bagyo sa Bicol, MIMAROPA at Quezon na dadaananng bagyo na ito.
Ang mahirap kasi, tiyak na may hangover pa ng Pasko ang mga kababayan natin lalo na ang mga opisyal ng gobyerno kayat medyo tinatamad at mabagal ang magiging responde.
Tandaan natin, bihirang dumaan o lumapit sa Metro Manila ang mga bagyo, tulad nang nangyari noong 2006 kay Milenyo, 2013 kay Santi at 2014 kay Glenda, pero pare-pareho silang nagdulot ng mga pinsala at bumuwis ng buhay.
Huwag balewalain ang super lakas na bag-yong si Nina, magsiguro upang kayo at inyong mga mahal sa buhay ay umabot ng buhay sa bagong taon sa Linggo.