UMABOT na sa 71,361 pamilya o 319,838 mga residente ang nagsilikas sa kai-kanilang mga bahay nitong araw ng Pasko dahil sa lakas ng ulan at hangin na dala ng bagyong si Nina.
Marami sa mga residente ang nagtungo sa Central Elementary School sa Santo Domingo, Albay, para doon na sariwain ang Kapasuhan.
Base sa tala ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol, 42,859 pamilya o 171,652 katao ang inilikas sa Albay habang 372 pamilya o 1,244 tao naman ang sa Camarines ang umalis ng kanilang mga tahanan.
Sa Camarines Sur, 23,980 pamilya o 106,378 katao ang nasa evacuation center na habang 6,408 pamilya o 29,406 katao naman sa Catanduanes, 2,199 pamilya o 10,796 tao sa Sorsogon at 59 pamilya o 362 tao naman sa Masbate ang kailangan ding manatili sa mga evacuation centers.
Nag-second landfall si Nina sa Sagñay, Camarines Sur alas 9:30 ng gabi Linggo matapos ang una nitong landfall sa Bato, Catanduanes alas 6:30 Linggo rin ng gabi, na agad ikinabaha ng maraming lugar sa Bicol at ikinasira rin ng maraming bahay.