Paolo sigurado nang best actor sa MMFF 2016 para sa Die Beautiful

PAOLO BALLESTEROS

PAOLO BALLESTEROS

KUNG matindi ang labanan sa pagka-best actress, mukhang nakalaan na raw kay Paolo Ballesteros ang Best Actor trophy para naman sa kanyang pagganap bilang transgender sa internationally-acclaimed “Die Beautiful.”

Magiging isang malaking kasalanan daw ng mga kritiko at huradong pipili kung sila lang ang hindi makukumbinsing runaway winner na ang TV host-comedian sa nasabing movie.

Kung meron daw makakalaban si Paolo nang medyo didikit sa husay niya, yan ay walang iba kundi sina Jericho Rosales at Joel Torre sa “Septic Tank 2”, plus Joem Bascon sa “Oro” .

Hmmmm, sa Dec. 29 pa magaganap ang awards night pero this early nga ay mainit nang pinag-uusapan kung sino ang mga tatanghaling winners sa gabi ng parangal.

Read more...