ANG “Kabisera” ni Nora Aunor lang ang tila “naapi” sa Cinema Evaluation Board dahil bukod tanging ito lang among the 8 official entries sa 2016 MMFF ang walang bonggang grade.
Lima ang binigyan ng grade A, ang pinakamataas na grado sa CEB, dahil nga sa quality ng film, at makakakuha ng incentive including tax rebate. Kabilanf na rito ang “Vince & Kath & James”, “Babae Sa Septic Tank 2”, “Saving Sall”, “Sunday Beauty Queen” at “Die Beautiful.”
Grade B naman ang nakuha ng “Oro” at “Seklusyon” na may ilang percent tax rebate ding makukuha.
Nakakatulong din kahit paano ang mga CEB grading dahil naku-curious manood ang iba kung bakit binigyan ng Grade A ang pelikula.
Posible kayang mag-work ito sa advantage ng “Kabisera” bilang ito lang ang walang nakuhang grado?
O sadyang dapat nang kumilos ang mga Noranians at bawasan ang sobrang pagiging maingay sa karereklamo at kapupuri to high heavens kay ate Guy and instead, proceed sa mga cinema at bumili ng movie tickets?
When was the last time nga ba na tinawag na box-office queen ang Superstar? Hmmm, tiyak naming hindi pa ipinapanganak noon sina Julia Barreto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia whose movie “Vince & Kath & James” is our first must watch.
At baka mga baby pa nga sina Paolo Ballesteros at Rhian Ramos (whose MMFF entries also are worthy of our money and time) noong kasagsagab ng pagrereyna ni Ate Guy sa mundo ng pelikula.
Meaning, ganu’n na katagal na walang hit movie si Ate Guy? Oh no!!!
q q q
Huwag din daw pakasiguro si Nora Aunor na kanya na ang Best Actress sa MMFF 2016 para sa “Kabisera”, dahil bukod kay Eugene Domingo (Babae Sa Septic Tank 2) na makakalaban niya nang bongga ay nagbabadya rin ang pagwawagi ni Irma Adlawan (for Oro), sa role na originally ay para kay Ate Guy.
At habang sinusulat namin ito, lumutang din ang name ni Rhian Ramos na ayon sa mga kritiko ay sobrang nakakabilib din sa “Saving Sally”.
And yes, nangangabog din daw ang akting ni Rhed Bustamante, ang pinakabagets na posibleng makatalo sa kanilang lahat dahil sa very powerful acting nito sa “Seklusyon”.
Bakit nga ba laging exciting ang labanan sa pagka-best Actress ha kapatid na Ervin?