Sa taong 2017 susewertehin na sa abroad at pag-ibig (2)

Sulat mula kay Cathy ng Dacudao, Agdao, Davao City
Problema:
1. Matagal na akong nag-aaplay sa abroad, ang kaso mag iisang taon na akong naghihitay hindi pa rin ako sinuwerte. Kaya naisipan ko sa inyong sumangguni upang itanong kung sa susunod kayang toang 2017 ay susuwertehn na akong maka-alis bilang D.H. sa Dubai at sa pag-ibig ay ganon din po parang sa tingin ko ay malas ako kasi sa edad kong 27 na sa December 28, 1989 ang birthday ko ay hindi pa rin ako nagkaka-roon ng stable relationship.
2. Sa taong 2017 kaya magkaka-boyfriend na kaya ako ng seryoso at pang matagalan na? December 28, 19
Umaasa,
Cathy ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa malayong lugar makikilala mo ang iyong true love na nagtataglay ng zodiac sign na Virgo. Ibig sabihin sa sandaling nasa ibang bansa ka na ay may dumating na isang Virgo, malaki ang tsansa na siya na nga ang itinakda sa iyo ngkapalaran para makasama mo habang buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing ang tinutukoy na lalaki sa Astrology ay nagtataglay ng birth date na 4, 13, 22 o kaya’y 7. Kapag dumating na sa buhay mo ang lalaking nabanggit, iyon ang tanda na magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Graphology:
Ayon sa iyong lagda na umaangat patungong langit, ngayon pa lang nasasagap na ng unconscious mong sarili ang maaaring maganap, kung saan, sa taon papasok 2017 sa Enero o kaya’y Pebrero, itatala ang mabunga at mabiyayang panginghibang bansa.
Huling payo at paalala:
Cathy ayon sa iyong kapalaran sa darating na taong 2017 magsisimula na ang iyong suwerte at ito ay mangyayari sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero, kung saan, sa nasabing panahon may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa itatala sa iyong kapalaran, at sa ibayong dagat, duon mo na rin makikilala ang una at huling lalaking iyong mamahalin, hanggang sa ang nasabing relasyon ay humantong sa isang masaya at pang habang buhay ng pag-aasawa na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2020 sa edad mong 31 pataas.

Read more...