MAKIKINABANG ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa One-Stop Service Center for OFWs (OSSCO) ng Department of Labor and Employment – Philippine Overseas Employment Administration
Nagsama sama ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa iisang lugar upang maserbisyuhan ang pangangailangan ng mga Filipinong manggagawa o ang mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.
Sa OSSCO main office, ang pinakamalaking bilang na nabigyan ng serbisyo ng POEA ay umabot ng 51,373 kliyente para sa documentation ng mga manggagawang nagbabakasyon o ang Balik-Manggagawa at nagbigay ng kasagutan sa mga katanungan ng OFW.
Ito ay nasundan ng OWWA na nagbigay ng serbisyo sa 39,611 kliyente na nagpunta sa OWWA upang i-renew o mag-apply ng OWWA membership at nagtanong ng mga usapin ukol dito.
Ang Social Security System ay nagsilbi sa 29,288 kliyente na nagpa-rehistro at nagpa-update ng kanilang membership data, nag-apply ng benefit loan claim, bineripika ang kanilang loan o contribution status, nag-enroll para sa kanilang Unified Multi-purpose ID Card (UMID) at nagtanong sa mga usapin ukol sa SSS.
Inilunsad ang OSSCO upang makapag-bigay ng serbisyo mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mga OFW o iyong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa sa paglalagay sa iisang lugar ng mga ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng serbisyo at tulong sa mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho o nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.
Ang pagtatatag ng OSSCO ay isa sa mga tugon ng DOLE sa direktiba ni Presidente Rodrigo R. Duterte na gawing mas mabilis at maayos ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa mga OFW sa pagpapaigsi ng oras ng pag-proseso at kabawasan ng gastos sa pamasahe.
Ang OSSCO sa POEA sa Mandaluyong, kasama ang regional center, ay pinamamahalaan ng 16 na ahensiya ng pamahalaan.
Ang mga ito ay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Maritime lndustry Authority (MARINA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Philippine Health lnsurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration (BI), National Bureau of lnvestigation (NBI), Commission on Higher Education (CHED), Tourism lnfrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of lnternal Revenue (BIR).
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.