NASA ospital si Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa pneumonia, ayon sa ulat ng DZMM.
Sinabi ng anak ni Estrada na si Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na dinala ang dating pangulo sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan City dalawang araw na ang nakakaraan at na-diagnose siya ng bahagyang impeksyon sa baga.
Ayon naman sa ulat, bumubuti na ang lagay ni Estrada.
Pinayuhan naman si Estrada ng kanyang mga doktor na manatili sa ospital para mamonitor ang kanyang kondisyon.
MOST READ
LATEST STORIES