2016 PINOY CELEBRITY EDITION ‘ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS….?’

2016 PINOY CELEBRITY EDITION ‘ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS....?'

2016 PINOY CELEBRITY EDITION
‘ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS….?’

NOCHE BUENA na mamaya! At isang tulog na lang Pasko na! Siguradong super busy na ang lahat sa pagpe-prepare ng kanilang mga ihahandang putahe.

Taun-taon, kapag sumasapit na ang Christmas ay meron tayong mga bagay na gustong makuha o mga pangarap na gustong matupad.

Ilang celebrities ang tinanong ng BANDERA kung ano ba ang wish nila ngayong Pasko. May mga hiling ba sila na gustong magkatotoo ngayong Holiday season? Narito ang kanilang mga naging sagot nang tanungin namin ng, “All I want for Christmas is….?”

BETONG SUMAYA: Yung magkakasama lang kami ngayong Pasko. Balak kong mag-check in kaming lahat sa isang hotel tapos doon kami magno-Noche Buena. Matagal ko na kasing pangarap yung ganu’n so ngayong medyo nakaluwag-luwag na, gagawin na namin. Tsaka siyempre continued success sa career and good health para makahataw pa ng trabaho sa 2017.

JACKIE RICE: Ano lang siguro, more work pa para sa akin this coming New Year. Kasi mas inspired akong magtrabaho ngayon. And bilang single na nga ako uli, feeling ko mas marami akong kayang gawin in terms of acting.

JAK ROBERTO: Gusto ko lang magsama-sama kami sa Noche Buena, yung traditional way lang ng Christmas celebration. Iba pa rin kasi yung feeling ng Pasko kung kumpleto kayo. Sa material naman, wala pa akong naiisip, siguro mag-iipon muna ako. Madali nang mag-isip ng mabibili kapag may hawak ka ng pera.

PIOLO PASCUAL: Parang wala na akong hihilingin pa this Christmas, I just pray na magkaroon ng stability ang bawat Filipino and of course safety for everybody. And of course, sana lahat tayo…take this as an opportunity to work on our relationship with God.

KARYLLE: Mas mapasaya pa at matulungan ang mga bata sa Child Haus (isang non-government organization kung saan kinakalinga ang mga cancer patients kasama ang kanilang mga pamilya). If you want to help also you can check My Pledge website para mabigyang-katuparan natin ang kanilang mga Christmas wishes this year.

SAM MILBY: Wala naman akong masyadong gustong regalo ngayong Pasko, but how I wish makasama ko uli ang family ko, pero baka hindi ako makabalik sa US dahil may Doble Kara pa kami and other commitments. But perhaps, gusto ko lang makabili ng bagong computer bilang regalo sa sarili ko.

ALDEN RICHARDS: Ganu’n pa rin po, gusto ko lang magkasama-sama kaming family this coming Christmas. Kasi talagang sa sobrang busy ng schedule di natin maiiwasan na mabawasan yung time for the family. Very traditional din kasi kami, kaya sa Noche Buena magsasalu-salo kami, then gift-giving bilang pasasalamat na rin sa lahat ng blessings na natatanggap natin.

JENNYLYN MERCADO: Of course, pinakamahalaga sa akin ang kalusugan, kaya wish ko tuluy-tuloy lang ang good health para continuous din ang trabaho. Lalo na sa 2017 patayan na naman sigurado ang taping para sa bago naming teleserye, ang My Love From The Star. And alam naman ng lahat na single mom ako kaya bawal magkasakit.

SEF CADAYONA: Wala na siguro akong wish ngayong Pasko para sa sarili ko kasi actually, natupad na siya, meron na rin akong teleserye sa primetime, sa GMA Telebabad, ang Meant To Be. Pero for my family, maraming blessings para sa kanila and good health na rin.

BARBIE FORTEZA: Ako sana lang mabigyan ng chance na magkaroon ako ng time for myself. Yung talagang sa akin lang kahit isang araw lang na I have a day for myself para gawin yung mga bagay na gustung-gusto kong gawin. Yun bang wala kang hinahabol na schedule or work. Ang sarap ng ganu’n, di ba?

POKWANG: Isa lang talaga ang ipinagdarasal namin ngayon, ang bumalik ang memory ng nanay ko kahit konti. Lumala na kasi ang Alzheimer’s niya. Tsaka sana, maibalik ‘yung ngiti sa labi niya, kasi ‘yung nanay ko komikera ‘yun. At matapang. Mami-miss ko rin ‘yung ipinagluluto niya kami.

ANDREA TORRES: Gusto ko lang maging complete and happy ang family ko ngayong Pasko.

MEGAN YOUNG: All I want for Christmas is to have a nice and quiet dinner with my family.

DENNIS PADILLA: Ang gusto kong mangyari sa Christmas sasabihin ko kay Julia (Barretto), ‘Julia before Christmas magkita naman tayo, sama mo mga kapatid mo.’

DINGDONG DANTES: All I want for Christmas is a five days straight vacation with my family. Though may quality time pa rin namin with Yan Yan (Marian Rivera) and Baby Zia, siyempre, mas ite-treasure ko ‘yung tuluy-tuloy na pagba-bonding namin.
Djan Magbanua at Ervin Santiago

Read more...