4th straight win target ng Alaska

 

Mga Laro Ngayon
(Philsports Arena)
4:15 p.m. TNT vs Alaska
7 p.m. Rain or Shine vs NLEX
Team Standings: San Miguel Beer (4-1); Blackwater (4-2); Alaska (3-2); TNT (3-2); GlobalPort (3-2); Rain or Shine (3-2); Star (3-2); Phoenix (3-3); Ginebra (2-3); Meralco (2-3); NLEX (1-4); Mahindra (0-5)
MATAPOS ang malamyang umpisa kung saan natalo ito sa unang dalawang laro ng torneyo ay unti-unti nang nababawi ng Alaska Milk ang dati nitong husay at kinang.
Nanalo ang Aces sa huli nitong tatlong laro kabilang ang 101-86 pagwawagi laban sa crowd-favorite Barangay Ginebra noong Linggo.
“It was just one of those games where we were able to hit a bunch of shots and play with a lot of energy,” sabi ni Alaska coach Alex Compton.
Sa likod ng pag-arangakada ng Alaska ay ang mahusay na paglalaro nina Calvin Abueva at Vic Manuel.
Makakasagupa ngayon ng Alaska ang TNT KaTropa umpisa alas-4:15 ng hapon sa Philsports Arena, Pasig City.
Tiyak na mapapalaban ngayon ang Aces dahil ang KaTropa ay nag-uumpisa na rin sa pag-arangakada sa ilalim ng bagong head coach na si Nash Racela.
“Against TNT, we have to bite, scratch and claw. They’re such a strong team,” sabi ni Compton.
Unti-unting binibigyan ng sigla ni Racela ang paglalaro ng TNT.
“I want them to play with the college spirit again,” sabi ni Racela.
“I want them to go all out the whole game, unlike in the past (when I was still an assistant coach) when I noticed that they (Texters) would wait until the final five minutes before playing their hearts out.”
Nais din ni Racela na tumutok sa depensa ang ace player nitong si Jayson Castro.
“We want him to play a lot more defense, more than he has ever done in the past,” sabi ni Racela. “We (coaching staff) know that we rely a lot on him offensively, but this time, we want him to play hard on both ends.”
Huling tinalo ng TNT ang Phoenix, 117-98, noong Biernes.
Ang mananalo sa TNT-Alaska game ay makakasalo ng Blackwater Elite sa pangalawang puwesto.
Pakay din ng Rain or Shine Elasto Painters na makatabla sa No. 2 spot ang Blackwater at ang mananalo sa unang laro sa pagsagupa nito sa NLEX Road Warriors sa 7 p.m. main game ngayon.

Read more...