Sa taong 2017 susewertehin na sa abroad at pag-ibig

Sulat mula kay Cathy ng Dacudao, Agdao, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong nag-aaplay sa abroad, ang kaso mag-iisang taon na akong naghihitay ay hindi pa rin ako sinuwerte. Naisipan ko sa inyong sumangguni upang itanong kung sa susunod kayang taon ay susuwertehin na akong maka-alis bilang domestic helper sa Dubai. Sa pag-ibig ay ganoon din po, parang sa tingin ko ay malas ako kasi sa edad kong 27—December 28, 1989 ang birthday ko—ay hindi pa rin ako nagkaka-roon ng stable relationship. Sa taong 2017 kaya ay magkaka-boyfriend na kaya ako ng seryoso at pangmatagalan na?
Umaasa,
Cathy ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang may malinaw namang Travel Line (Illustration 1. 1-1 arrow 1.) at Marriage Line (Illustration 1. arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran ay kusa namang matutupad ang magandang pangarap mong makapag-abroad at magkaroon ng isang maligaya at stable na karelasyon.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Nine of Hearts at King of Hearts ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2017, sa edad mong 27 pataas, magsisimula nang dumating ang lahat ng iyong suwerte sa buhay, lalong-lalo na sa career at pag-ibig. Hatid ito ng isang lalaking medyo may agwat sa iyo ang edad ng mga lima hanggang pitong taon.
Itutuloy

Read more...