IT’S about time na mag-settle down na si Anne Curtis. She has already accomplished so many things in her career.
Isa nga kami sa na-excite at natuwa sa ginawang proposal ng crush naming si Erwan Heussaff sa New York, na several years na rin namang boyfriend ni Anne. Kumbaga, kasal na lang talaga ang kulang sa kanila.
We have met Erwan in so many occasions and we could tell that he is truly so kind, a gentleman and a good hearted person. Hindi talaga malulugi ang kahit sinong girl na maiinlab sa kanya, lalo pa’t napakagaling niyang magluto and mind you, kakaiba rin ang sense of humor niya, ha! Ha-hahaha!
Kapwa sila suwerte ni Anne sa isa’t isa kaya sana maging forever na ang relasyon nila lalo pa’t sa kumbinasyon ng mga lahi nila ay siguradong maladyosa at malaprinsipe ang kanilang magiging mga anak. Tama ba, kapatid na Ervin at mga ka-BANDERA?