PERSONAL na inendorso ni Joey de Leon sa kanyang Twitter account ang festival entry ni Paolo Ballesteros na “Die Beautiful” showing on dec. 25.
Lumalabas sa tweet ng Pambansang Henyo ang tunay niyang pagiging witty, huh!
Heto ang sample ng tweet ni Joey: “Put more life in your living. Watch Die Beautiful. Kill ‘em dead Paolo! Patay sila dito.”
Sa Instagram account naman ni Joey, kasama niya si Paolo bilang ang Disney character na si Elsa na bumida naman sa Hollywood animated movie na “Frozen”.
Nanawagan din ang Eat Bulaga host sa AlDub Nation na suportahan ang entry ng kanilang Lola Tidora sa nalalapit na pagsisimula ng filmfest.
Anyway, Graded A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa “Die Beautiful”.
MOST READ
LATEST STORIES