Bea, Gerald bawal aminin ang relasyon dahil kina Ian at Kim?

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

KAHIT na ilang beses nang nagdenay ang Kapamilya Drama Queen na si Bea Alonzo na wala pa silang relasyon ni Gerald Anderson, mas marami pa ang ang naniniwala na matagal nang sila.

Ayon sa ilang netizens, posibleng pinagsabihan sina Bea at Gerald ng mga taong nangangalaga sa kanilang respective career na huwag na munang ibandera ang tunay nilang relasyon sa publiko “for the sake of art”.

May bago kasing teleserye ngayon si Bea, ang A Love To Last kung saan makakatambal niya si Ian Veneracion with Iza Calzado, habang si Gerald naman ay busy na sa taping ng Ikaw Lang Ang Iibigin, ang reunion serye naman nila Kim Chiu.

Sa isang panayam, sinabi ni Bea na hindi pa niya boyfriend si Gerald, basta ine-enjoy lang daw nila kung anumang meron sila ngayon.

“Hindi kami couple pa. Dating pa rin,” sey ni Bea kasabay ng pagsasabing hindi naman sila nagmamadali ni Gerald na pumasok sa bagong seryosong relasyon.

Para naman sa ilang fans ni Bea, nirerespeto nila ang desisyon ng aktres kung ayaw pa nitong aminin ang relasyon kay Gerald. Basta ang promise nila, patuloy pa rin nilang susuportahan ang mga proyekto ng dalaga kahit sino pa ang itambal sa kanya.

Nagsimula ang pagiging close uli nina Bea at Gerald nang gawin nila ang pelikulang “How To Be Yours” noong Hulyo. Ilang beses ding naispatan na sweet na sweet ang dalawa sa kanilang unguarded moments.

Nito lang nakaraang linggo ay kumalat sa social media ang litrato ni Gerald kung saan kasama niya si Bea at ang pamilya ng dalaga.

Read more...