‘For sale’ na mga painting ni celebrity nilalangaw

BLIND ITEM MALE 0412

WALANG nabebentang painting ang isang kilalang personalidad dahil sobrang mahal daw ng kanyang mga obra, ito’y ayon mismo sa taong namamahala ng gallery.

Kuwento sa amin ng aming source na nagbabantay sa mga painting ng kilalang personalidad,

“Masyadong mahal kasi, wala pang bawas simula nu’ng i-display ‘yan. Wala ring nagtatanong, parang walang interesado sa mga gawa niya.”

Pinagmasdan namin ang mga painting ng kilalang personalidad at napansin namin na halos lahat ng mga ito ay “dark” kahit na sinasabing dini-dedicate niya ang mga ito sa mga babaeng mahal niya. Sa madaling salita, hindi pampa-good vibes ang kanyang mga painting.

Sabagay, malungkot talaga ngayon ang personalidad dahil nag-iisa na siya sa buhay.

Read more...