6 na classroom nasunog matapos ang Christmas party sa Ilocos Norte

ilocos

SUMIKLAB ang sunog sa Currimao National High School sa Ilocos Norte matapos ang isinagawang Christmas party kagabi.
Nagsimula ang sunog sa administration building pasado alas-7 ng gabi kung saan natupok ang anim na silid-aralan ng paaralan, ayon kay Rolly Bernardo.
Bago ang sunog, nagtipon-tipon pa ang mga mag-aaral at guro para sa taunang Christmas party.
Inaalam pa ng mga bumbero na rumesponde mula sa kalapit na bayan ng Paoay ang sanhi ng sunog, na kumalat sa opisina ng principal at cashier, supply office, library, computer laboratory at science building.
Walang fire station sa Currimao, na isang fourth class coastal town sa Ilocos Norte.
Sinabi ng paaralan na kabilang sa mga natupok ay 49 na bagong computer, dalawang laptop, mga projector, television set na matatagpuan sa computer laboratory at sa Grade 7 classroom.
Sinabi ni Araceli Pastor, Ilocos Norte Schools Division superintendent, na katatapos lamang na makumpleto ang pag-aayos ng Currimao National High School, kasama na ang bagong mga itinayong silid aralan para sa implementasyon ng K-12 program.

Read more...