Ara Mina puring-puri si Liza: Pumayag agad ako maging nanay niya!

ara mina at liza soberano

BILIB na bilib si Ara Mina kay Liza Soberano na kasama niya sa isang project.

“Minsan may nakatrabaho ako, wala pang mga name pero grabe ang attitude. Pero ito, nandoon na siya at lahat naman ng nakatrabaho niya nagsasabi na wala silang walang bad experience. Saka ano pa siya, nag-aaral pa siya. In between takes, nag-aaral siya,” chika ni Ara sa birthday party ng anak niyang si Amanda na ang ganda-gandang bata.

Walang second thought si Ara na maging mommy ni Liza.

“Hindi ako nagdalawang-isip nang sinabing mommy ako ni Liza. Dati kasi nagdadalawang-isip ako.

‘Ilang tao na ba ‘yan?’ kasi ‘di ba minsan ‘yung mga network, ‘mommy ka niyan?’ Ibig sabihin 8 years old pa lang nanganak na ako?”

Among the young stars today ay mahal niya si Liza dahil sa pagiging simple nito, “Sobrang gusto ko siya sa generation ngayon. Napaka-down to earth niya. Wala siyang arte. Pag pagod na siya, hindi mo siya mariringgan ng reklamo, hindi siya nagta-tantrum.”

Umapir sa party ang ex-dyowa ni Ara na si Mayor Patrick Meneses.

“Single pa rin ako pero we’re friends. Nakita n’yo naman. Hindi ko ipinagdadamot ang anak ko sa kanya. Naka-move on na ako,” say ni Ara.

Read more...