PINAGALITAN ng isang senior prosecutor ng Department of Justice (DOJ) ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbawalan ang mga miyembro ng media na i-cover ang unang preliminary investigation hinggil sa kasong multiple murder na inihain kaugnay ng pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Matapos ang pagdating ng mga kinasuhang pulis, hindi pinapasok ng mga pulis ang media at tinakpan ang pintuan ng white board para hindi makakuha ng footage sa isinasagawang pagdinig.
Kinuwestiyon ito ng mga mamamahayag kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre at sa head ng panel ng mga prosecutor.
Kinalaunan binuksan din ng head ng security ng DOJ ang pinto ng multipurpose hall sa media.
Bago magsimula ang pagdinig, sinabihan ni Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo ang mga pulis na kumuha dapat ng direktiba mula sa mga otoridad ng DOJ.
“We remind members of the PNP that this is the DOJ and not the PNP. Please take orders from authorities of the DOJ,” sabi ni Alejo.