Duterte nangakong magbibitiw sakaling masangkot ang pamilya sa katiwalian

 

NANGAKO  si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw siya sa puwesto sakaling masangkot ang kanyang pamilya sa katiwalian.

“Kasi ang sabi ko sa pamilya ko ganito, and I will stand by my word: Pagka ang pamilya ko, mga anak ko nasa kurakot, I will resign immediately,” sabi Duterte sa kanyang talumpati sa Command Christmas Boodle Fight ng Presidential Security Group sa PSG Grandstand.

Ito’y sa harap naman ng kampanya ni Duterte kontra korupsyon.

“Wala akong — tapos na ako. Eh nakapag-kuwan na ako. So 16th President for a few months, fine. ‘Yan ang swerte ko. Basta may anak ako o mga pamangkin ko na nandiyan sa influence peddling kasi ganito pamangkin, anak — pagka nalaman ko ‘yan, I will resign immediately. Walang drama, wala lahat,” dagdag ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na hindi niya kailangan ang maging pangulo ng bansa.
“Hindi ko naman masabi na malungkot dito. Itong bagay na ito, posisyon ko, hindi ko kailangan sa buhay ko at this time of my life. I am 72, I’ve been mayor for 23 years, four years congressman, four years vice mayor kay Inday. Hindi ko… Kaya wala akong ano na — sabihin na paalisin, mag coup d’etat, go ahead. O mag-people power, go ahead,” ayon pa kay Duterte.

Read more...