Horoscope, December 20, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Limang araw na lang pasko na! Tulad ng dati ituloy mo lang ang iyong mga binabalak, buuin ang Simbang Gabi upang magpatuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig pagbungad ng taong 2017 isang masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 21, 27, 30, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.”

Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasang magmayabang upang hindi ka kainggitan! Mentras kinaiingitan ka masisira ang diskarte na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, nagagandahan lang sila sa iyo kaya ka nila iniintriga. Mapalad ang 1, 18, 19, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Om-Purana.” Lilac at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Masaya nga ang pasko, kaya lang masakit sa bulsa. Hinay-hinay lang sa pag-gasta. Kapag hindi ka tumigil ng kapapamili, walang matira para sa Bagong Taon. Kailangan ding pag laanan ang bukas upang higit na lumigaya ang pamilya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag apurahin ang tagumpay, kusang darating yan! Paghandaan ang pagpasok ng 2017, sobrang dami ng mga biyayang darating. Sa pag-ibig, sa taon ding 2017, iinit ng husto ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Agara.” Silver at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat padala sa kalungkutan! Sa kaunting pagtiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa pag-ibig, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuloy-tuloy ang suwerte at ligaya. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ituloy ang anomang iniisip, hindi sila nakakatulong, mahilig lang talaga silang komontra. Sa pag-ibig tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayon palang ipatupad na ang iyong New Year resolution at wag ng hintayin pa ang January. Sa ganyang paraan, hindi ka na mabibigo pa. Sa pag-ibig sa pakikipag-relasyon sa isang Libra may masarap na romansang magaganap. Sa pag-ibig yayain din ang kasuyo na magkaroon ng New Year resolution. Mapalad ang 5, 14, 18, 23, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ako ngayon ay bagong buhay!” Blue at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Palakasin ang iyong loob upang mas madali mong mapitas ang tagumpay. Sa pag-ibig ay ganon din, kapag mahina ang loob walang kaligayahang makakamit – sunggod ng sunggod lang hanggang sa lumigaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Aum-Yophiel.” Pink at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa taong 2017 maraming kakaibang suwerteng darating. Ang mahalaga gawin mo ng gawin ang gusto mo, kahit marami sa iyong komokonrtra. Sa pag-ibig hayaan mong ang puso ang magpasya. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilan-Om-Bastan.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Iwasang mamintas! Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Aries. Mapalad ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram,” Blue at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Ano ang halaga ng tagumpay kung nakuha mo naman ito sa panlalamang sa kapwa. Ngayong kapaskuhan, mamigay ka sa mga taong higit na nangangailangan upang lalao ka pang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 7, 16, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa sandaling nalusutan ang mga problema tuloy-tuloy ka ng liligaya. Sa pinansyal, sa susunod na buwan, dadami uli ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Magtiwala sa iyong sarili! Tandaang: “Ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos!” Sa pag-ibig, paligayahin ng husto ang kasuyo, pag di mo nagawa sige ka baka mag-hanap siya ng iba. Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas.

Read more...