Anne emosyonal sa proposal ni Erwan: Hindi ko talaga in-expect na mangyayari this year!

anne curtis at erwan heussaff

NAGING emosyonal si Anne Curtis kahapon sa It’s Showtime nang i-congratulate siya ng kanyang mga co-host sa programa matapos niyang kumpirmahin na engaged na sila ni Erwan Heussaff.

Binigyan din siya ng suprise production number nina Vice Ganda, Karylle, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jhong Hilario at Vhong Navarro na super happy sa engagement nila ni Erwan.

Nag-propose si Erwan kay Anne sa New York City habang sila’y nasa bakasyon. Kumalat sa social media ang video ng proposal na talagang ikinakilig ng madlang pipol.

Ayon kay Vice, “We’re just so happy na itong pinakamagandang bagay at pangyayari sa buhay mo ay dumating na!”

Halos maluha-luha naman si Anne nang pasalamatan ang madlang pipol sa patuloy na pagsuporta sa kanya at sa magagandang mensahe para sa kanila ng kanyang mapapangasawa.

“Maraming, maraming salamat ulit, madlang pipol. Isa itong bagay na hindi ko talaga in-expect na mangyayari ngayong taon na ito. But it came as a beautiful surprise. Para sa akin, what a beautiful way to end 2016. As in, it’s so, so beautiful. And I have no one else to thank but to my mon amour, Erwan, I love you so much,” mensahe ni Anne.

Read more...