Mas magiging maaksiyon pa ang Alyas Robin Hood ni Dingdong

dingdong dantes

MAS magiging maaksyon pa ang mga susunod na episode sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood starring Dingdong Dantes.

Ngayong gabi, matatandaan na ni Chino ang mukha ni Pepe (Dingdong). Pero tigas pa rin ang pagtanggi niya na siya si Alyas Robin Hood at ipinagdidiinan na siya si Crisostomo Bonifacio.

Kasabay nito, nilalabanan naman ni Venus (Andrea Torres) ang Chef. Dehado sa una si Venus pero sa tulong ni Frida (Antonette Garcia), matatalo nila ang Chef. Makocorner naman nina Chino at Llama si Pepe.

Itatakas ni Junjun si Sarri (Megan Young), isasakay ito sa van na dala nina Venus pero hindi ito makaalis dahil nabalahaw. Masisilip sila ni Chino sa bintana.

Nang lulundag na si Llama sa bintana para pigilan ang dalawa, mahahawakan ni Pepe ang paa nito. Saka niya ito bibitiwan, hulog ang lalaki. Aatake si Chino kay Pepe pero dahil mabilis ang huli, matatalo siya.

Nang papunta na sina Pepe, Venus at Frida sa sasakyan nina Junjun at Sarri, susulpot si Llama. Mag-uumpisa na naman ang bakbakan ngunit muli itong pababagsakin ni Pepe.

Makikita si Venus na nagtatago sa puno, spying on Pepe na maaabutan na nina Llama, Chino at Chef.

Papalibutan nila si Pepe. Madedehado si Pepe. Pepe looks ahead at makikita niyang nagtatago sa likod ng puno si Venus. Kunyaring susuko si Pepe. Isasakay ng mga kalaban si Pepe sa van para ihatid kay Wilson. Sa loob ng kotse, sasabihin ni Pepe na alam na niyang gumawa sina Chino ng pekeng Mayor Arguelles para mapakawalan siya.

Dadalhin nina Chino si Pepe kay Wilson (Dennis Padilla). Magkakaharap ang dalawa. Hindi nila alam, nakasunod si Venus sa kanila.

Read more...