Miss PH Catriona Gray nagtapos sa Top 5 ng Miss World 2016

HINDI man naiuwi ang korona, hindi naman tuluyang binigo ng Pinoy bet na si Catriona Gray ang kanyang mga kababayan na maibandera ang ganda at galing ng isang Pinay beauty.

Gray finished in the Top 5 of the 2016 Miss World pageant na ginanap sa Maryland,  sa Estados Unidos Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas).

Nananatili pa ring impressive ang performance ng Pinas sa mga international pageant scene dahil sa ginawa ni Gray na nanalo rin ng special award ng Miss Multimedia.

Tinanghal na Miss World 2016 ang Puerto Rican beauty na si Stephanie del Valle.  Dinaig nito ang 116 hopefuls.  Siya ay kinoronahan ni Mireia Lalaguna ng Spain at 2015 Miss World.

Former Miss Universe Top 10 finisher Yaritza Reyes mula naman sa Dominican Republic ang first runner up habang si Natasha Mannuela mula Indonesia ang second runner up.

was second runner up.

Kasama sa Top 5 ay si Evelyn Thungu ng Kenya.
Si Megan Young, ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng korona ng Miss World, ang siyang naging host ng 66th edition ng Miss World.  Simula noong 2014 ay siya na ang nag-host ng nasabing beauty contest. Nanalo si Young noong 2013.
Read more...