Number coding suspendido sa Dis. 23 at 29

SUSPENDIDO ang number coding scheme para sa mga pribadong sasakyan sa Disyembre 23, Biyernes, dahil sa inaasahang pag-uwi ng maraming Pinoy sa mga probinsiya para sa holiday break, ayon sa Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT).

Sa isang advisory, sinabi ng i-ACT hindi na rin ipatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa Dis. 29,  para naman sa paggunita ng Rizal Day sa susundang araw nito, Biyernes.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, ang pagsuspinde ng number ang magbibigay sa publiko ng oportunidad na magamit ang kanilang mga sasakyan para makalabas ng Metro Manila, lalo na sila na uuwi ng mga probinsiya para doon magdiwang ng Pasko.

Una nang sinuspinde ng i-ACT ang number coding scheme para sa mga provincial buses mula ala-1 ng hapon Disyembre 22, 23, 29 at Enero 2, 2017.  Ang UVVRP ay suspendido rin sa Disyembre 26, special non-working holiday at Dis. 30, Rizal Day.

Read more...