Luis mapapalaban sa kakulitan ng mga bagets sa ‘Minute To Win It: Last Kid Standing’

minute to win it kids

NGAYONG Kapaskuhan, husay at diskarte ng mga bulilit ang muling susubukin sa top-rating Kapamilya game show na Minute To Win It sa bago nitong edisyong “Last Kid Standing” simula ngayong Lunes sa ABS-CBN.

Gaya sa “Last Man Standing,” walong kiddie players ang maglalaban-laban sa pitong challenges na walang time limit at gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay at opisina. Ang huling kiddie player na huling makakagawa o hindi makakagawa ng challenge ang siyang matatanggal sa pagtatapos ng bawat challenge, at magpapatuloy ito hanggang sa dalawang players na lang ang matitira.

Maghaharap naman ang dalawang players na ito sa Head-to-Head Challenge na may tatlong games. Ang player naman na siyang magwawagi ng dalawang sa tatlong games sa Head-to-Head ang siyang maglalaro sa Ultimate Challenge, kung saan magkakaroon siya ng pambihirang pagkakataong maglaro para sa jackpot prize na P1 milyon.

Ilan lamang sa Kapamilya child stars na unang maglalaro ay sina Clarence Delgado, Raikko Mateo, Alonzo Muhlach, Vito Quizon, Marco Masa, Esang de Torres, Chun Sa Jung, at Nhikzy Calma.

Makakatapat naman nila ang regular players na nakuha mula sa auditions para sa nasabing edisyon.

Mula nang bumalik ang “Minute to Win It” sa telebis-yon noong Hulyo, araw-araw na itong nangunguna sa timeslot nito at nananatiling numero unong game show sa bansa. Nagkaroon na rin ito ng dalawang milyonaryo ngayong taon: ang mga aktres na sina Jodi Sta. Maria at Meg Imperial.

Ngunit hindi lang ang programa ang namigay ng mga papremyo at tulong sa mga Kapamilya, dahil maging ang host nitong si Luis Manzano ay nagbahagi rin ng biyaya sa ilang players na sumalang sa programa.

Huwag palampasin ang Minute To Win It: Last Kid Standing starting tonight, mula Lunes hanggang Bi-yernes sa ABS-CBN.

Read more...