UMAASA si Pangulong Duterte na ang Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao ang susunod na presidente ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-38 kaarawan ng senador, si-nabi ni Duterte na nakikita niya ang landas na tatahakin ng huli sa mga susunod na taon.
Ikinagulat naman ni Pacquiao ang sinabi ni Duterte.
Aniya, masyado pang maaga para pag-usapan ang naturang ambisyon.
Sa kasalukuyan ay tanging trabaho lamang umano niya sa Senado at ang maayos na pagseserbisyo sa publiko ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.
MOST READ
LATEST STORIES