Horoscope, December 19, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Kung naisasakatuparan mo lang ang mga inisip, mayaman ka sana ngayon! Magagawa mo pa naman kung kikilos ka na ngayon. Sa pag-ibig at pagkakaperahan aksyon ang kailangan upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 7, 19, 22, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Makakamit ang maturity kung tanggapin ng maluwag sa loob na: “ang lahat ng bagay ay lumilipas at nawawala rin.” Liligaya sa pag-ibig, kung sinoman ang nandyan yon na lang ang pagtiyagaan. Mapalad ang 1, 11, 19, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sa-rili mong pagpapasya. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng “taste” yan, walang basagan ng trip!” Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Maroon at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Samantalahin ang papalapit na Bagong Taon. Kalakal na bilog na prutas at tumutunog ang dapat ibenta. Sa produktong nabanggit malaking halaga ang tatabuin. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang magpakatuso at ng mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, wag magpa-impluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Ngayon pa lang paghandaan nyo na ang future. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang yan! Pahalagahan at pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Isagawa at bigyang aksyon ang anomang iniisip, sa ganyang paraan hindi ka mapagbibitangang puro ka lang kuwento at puro ka lang drowing. Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang lumiagay habang buhay. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang naman ang susi upang yumaman, maging masinop at matipid. Wag sumabay sa maluhong pagasta ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Green at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang mag-init ang ulo upang patuloy na dumating ang suwerte. Sa negosyo, kung magiging mahinahon, mas malaking kita ang makakamit. Sa pag-ibig, hinahon din ang susi upang mapakitunguhan ng maayos ang topaking kasuyo. Mapalad ang 3, 9, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Produktong may kaugnayan sa pagkain ang simulan. Puto-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong Simbang Gabi ang dapat. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang hindi na siya mag hanap ng iba. Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Pagbutihin pang lalo ang anomang ginagawa. Ang salapi at maligayang pag-ibig ay kusang dumarating sa takdang panahon kung lagi kang naka-red. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum Arhate-Om-Padme-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag gawing kumplikado ang mga buhay – manatili sa iisa at dati ng minamahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius gawing simple lang ang buhay pero rock! Mapalad ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna-Hare.” Purple at magenta ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Simulan mo ng gumising ng maaga, upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mag-Simbang Gabi muna, upang lalong sumarap ang romansa. Mapalad 6, 16, 24, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at pink ang buenas.

Read more...