Kilalang aktres mukhang pera, ikinumpara sa baboy-ramo

BLIND ITEM FEMALE 0415

SA isang umpukan ay naging pulutan ang isang pamosong aktres na kung tawagin ng mga nandu’n ay may ilong na maikukumpara sa baboy-ramo sa tindi ng pang-amoy.

Basta datung na raw ang pinag-uusapan ay napakatindi ng babaeng ito, napakatinding umamoy, alam niya raw kung nasaan ang asukal kumbaga sa langgam.

Kuwento ng isang source, “Tinawagan siya ng isang reporter-friend niya, kinukuha siya sa isang ribbon cutting sa isang hindi naman kalayuang probinsiya sa Manila.

“Kung anu-ano pang dahilan ang ibinibigay niya, kesyo may taping daw siya sa araw na ‘yun, kesyo hindi raw siya papayagan ng production dahil napakaimportante ng role niya sa serye.

“Pero ang sabi sa kanya ng reporter, ‘Sayang naman, magandang raket na sana ito na kinuha ko para sa iyo. Wala ka namang gagawin kundi i-cut lang ang ribbon, pagkatapos, eat and run ka na!’

“Ganu’n pa rin ang sabi niya, hindi raw siya makasasagot agad-agad, dahil hindi siya papayagan ng production. Next time na lang daw.

“E, biglang sinabi ng friend niyang reporter, ‘Sayang, nasa akin na kasi ang full payment, hindi downpayment lang, full payment talaga ang hiningi ko sa nagpapaimbita.’

“Biglang nagbago ang tono ng female personality, ‘Kailan na nga ba ‘yan?’ Sinabi uli ng reporter ang date. ‘Ay, libre ako sa araw na ‘yun, wala kaming taping!’

“Wala pang isang oras, e, magkasama na sila, kinukuha na ng girl ang datung sa kaibigan niya. Tinanggap na niya ang ribbon cutting dahil nandu’n na ang datung!

“Ganu’n siya katindi, malakas ang pang-amoy niya sa pera, kapag nandu’n na, e, hindi na niya pinalalampas pa ang pagkakataon. Palagi siyang Spell M!

“Pangaralan n’yo ang ate n’yong ‘yan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ha? Palaging matindi ang pangangailangan niya, promise!” pagtatapos ng aming source.

Read more...