Negosyong pampasko (2) | Bandera

Negosyong pampasko (2)

Joseph Greenfield - December 18, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Aida ng Talaba, Bacoor, Cavite
Problema:
1. Dati po akong nagta-trabaho sa isang government agency ang kaso nag-resign ako kasi ang daming intriga. Nagkataon naman po na bumaba na ang mister ko sa barko at may konti na kaming ipong pera para gamiting pang-negosyo. Sabi ng mister ko ay mag-negosyo na lang ako at wag na daw akong mamasukan.
2. Kung magnenegosyo ano naman po ang angkop na produkto sa para akin upang mas madali kaming umasenso at kapag malakas na ang negosyo namin ay hindi na rin daw nag-aaboad ang mister ko. October 15, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Aida ng Bacoor, Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing imbis na magtrabaho mas mainam pang magnegosyo ka na lang at kung nagkataong Aquarius, Gemini, o kaya’y Capricorn ang zodiac sign ni mister, tiyak ang magaganap, sa pagtutulungan nyong dalawa, sa negosyong may kaugnayan sa pagtitinda, sa pagkain at sa mga kalakal na pampasko, mabilis kayong susuwertehin at aasenso.
Numerology:
Ang birth date mong 15 ay nagsasabing kung ang mister mo ay isiniang sa petsang 5, 14, at 23, tulad ng nasabi na, sa pagtutulungan ninyong dalawa, sa produktong pagkain at iba pang paninda, mabilis na lalago ang inyong negosyo, higit lalo kung sisimulan n’yo na ngayong taong ito ng 2016 sa buwan ding ito ng Disyembre.
Luscher Color Test:
At upang masigurado ang malaking pag-asenso sa laranganng pagnenegosyo, kung halimbawang may negosyo na kayo siguraduhing gumamit ng kulay na pula. Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na mas madali kayong uunlad hanggang sa tuluyang yumaman.
Huling payo at paalala:
Aida ayon sa iyong kapalaran, tama ang iniisip mo na imbis na mag-trabaho uli ay mas mainam pang magnegosyo na lang, sapagkat ang gawaing ito ang tunay nga at talagang angkop sa iyo lalo na ikaw ay isang babaing medyo chubby na may nunal sa kanang bahagi ng mukha. Tunay ngang sa pagtutulungan ninyong mag-asawa tiyak ang magaganap, sa itatayo n’yong tindahan sa taon ding ito ng 2016, na may kalakal o produktibong may kaugnayan sa Pasko, walang duda, tuluy-tuloy n’yo ng makakamit ang pag-unlad at pag-asenso hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2020 sa edad mong 42 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending