MetroTurf Super Weekend aarangkada

HANDA na ang lahat para sa pagsasagawa ng MetroTurf Christmas Super Weekend kung saan dalawang de-kalidad na karera ng kabayo ang sunud-sunod na isasagawa ngayon at bukas sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Magsisilbing host ang Metro Manila Turf Club sa KASAPI Benefit Racing ngayong hapon pati na rin sa ikatlong taon ng pagsasagawa ng Pasay – The Travel City Racing Festival bukas.

Pinakaaabangan kung sino ang mag-uuwi sa Winner-Take-All event na magsisimula sa Race 3 ngayong hapon kung saan mapapanalunan nito ang tumataginting na P1.8 milyon.

Ang mga racing aficionados ay maaari na pumunta sa kanilang paboritong OTBs na magbubukas ng kanilang betting operations na dalawang oras na mas maaga para sa unang karera ngayon at bukas.

Ang 4-in-1 event ng Karera Station Association of the Philippines (KASAPI) ang tampok sa ngayong araw na karera. Ang main feature nito ay ang Grand Raffle ng 12 A1-Condition Haojue Motorcycles para sa “P20 Mo Manalo ng Motorsiklo” promo na joint project ng KASAPI at Metro Manila Turf Club.

Ang KASAPI Benefit Races ay may kabuuang limang maigting na karera kung saan ang winning owner, trainer, jockey at groom ay tatanggap kada isa ng KASAPI jacket.

Isasagawa naman bukas ang ikatlong taon ng Pasay – The Travel City Racing Festival kung saan mahigit sa P3-milyong premyo ang paglalabanan.

Read more...