Funeral benefit kanino dapat mapunta?

HI, gusto ko po sanang tanungin kung ang mama ko lang po ba ang pwedeng mag claim ngfunerall benefit ng aking papa? ‘Yun po kasi ang sabi sa akin sa SSS East Avenue noong magpunta po ako last Dec 1, 2016. Ang mama ko raw po ang benefeciary at pwedeng mag-claim.
Scenario:

Ang papa ko ay may St. Peter plan, eto ang ginamit namin nang siya ay ibinurol. Ang mga resibo na binayaran sa St. Peter ay nakapangalan kay papa (1st payment – buhay pa sya, 2nd payment – binayaran ko na ng buo ang balanse noong nakaburol pa sya).

Ako ang nagbabayad ng St. Peter niya pero ang mga resibo ay nakapangalan sa aking ama na namatay.

Nakakuha na rin ako ng plan certification sa St. Peter.

Sa kadahilanang hindi sa akin nakapangalan ang mga resibo ng St. Peter, ang payo sa akin ng SSS staff ay ang mama ko lang ang pwedeng kumuha ng funeral claim niya at wala ng iba kahit na ako ay anak at naka-declared na beneficiary sa E4 ng aking papa. Ako rin po ang nakapirma sa death certificate ng aking papa.

Ano po kaya ang pwede kong gawin? Wala po kasing nilabas na pera ang aking mama sa pagburol at pagpapalibing kay papa. Hindi rin maayos ang aming relasyon sa ngayon kaya baka mangyari na pag sa kanya mapunta ang funeral claim ay hindi niya na ito ibalik pa.

Salamat
Abby L.

REPLY: Ito ay bilang tugon sa liham ni Ms. Abegail Leal tungkol sa funeral benefit para sa benepisyaryo ng kanyang yamaong ama.

Ang benepisyo sa pagpapalibing (funeral benefit) ay ibinabayad ng SSS sa taong gumastos para sa burol at pagpapalibing ng namatay na miyembro. Kailangan lamang niyang maipakita ang mga patunay ng kanyang nagastos kagaya ng official funeral receipt.

Sa pagkakataon po kung saan nakapangalan mismo sa namatay na miyembro ang memorial/insurance plan, ang kanyang surviving legal spouse o asawa ang maaari po lamang mag-file ng funeral benefit.

Samantala, ang SSS ay nagbabayad ng death benefit para sa benepisyaryo ng namatay na miyembro ayon sa sumusunod na pagkakasunod:

1. Primary Beneficiary – legal na asawa ng miyembro (hanggang sa muli siyang makapag-asawa o makapagrelasyon), dependent legitimate, legitimated, legally adopted at illegitimate na anak ng miyembro na hindi lalagpas sa edad na 21 or lagpas sa 21 kung incapacitated o walang kakayahang suportahan ang sarili dahil sa kapansanang pisikal o sa pag-iisip. Kung wala;
2. Secondary Beneficiary – ang mga magulang ng miyembro. Kung wala rin;
3. Benepisyaryo na inilagay ng miyembro sa kanyang SSS records. At kung wala pa rin;
4. Legal heirs ng namatay na miyembro ayon sa batas ng pagmamana sa ilalim ng Family Code of the Philippines.

Para po sa katanu-ngan ng ating mga miyembro, maaari din po silang mag-email sa member_relations@sss.gov.ph o tumawag sa SSS call center 920-6446 hanggang 55.

Sana ay aming na-
bigyanf linaw ang inyong katanungan .

Salamat po.

Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media
Affairs Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...