Negosyong pampasko

Sulat mula kay Aida ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,

Dati po akong nagta-traahos aisang government agency ang kaso nag-resign ako kasi ang daming intriga. Kataon naman po na bumaba na ang mister ko sa barko at may konti na kaming ipong pera para gamiting pang-negosyo. Sabin g mister ko ay mag-negosyo na lang ako at wag na daw akong mamasukan. Kung magnenegosyo ano naman po ang angkop na produkto sa para akin upang mas madali kaming umasenso at kapag malakas na ang negosyo namin ay hindi na rin daw nag-aaboad ang mister ko. October 15, 1978 ang birtyhday ko.
Umaasa,
Aida ng Bacoor, Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang maganda at malinaw na Guhit ng Negosyo o Business Line (Illustration 1-1 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung hindi ka pinalad sa dati mong trabaho sa gobyerno dahil maraning intriga sa pagnenegosyo tiyak na papalarin ka na.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Ten of Diamonds at Five of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing habang may ngiti at saya ka na nagnenegosyo, mabilis kayong uunlad at aasesno sa mga produktong pagkain at mga kalakal na may kaugnayan sa pasko.
Itutuloy….

Read more...