Ogie sa paglipat sa ABS: Hindi naman po ito pera-pera lang!

OGIE ALCASID

OGIE ALCASID

SI Ogie Alcasid na ang ipinalit kay Jed Madela bilang isa sa celebrity judges ng Your Face Sounds Familiar Kids na mapapanood na sa Enero, 2017.

Sa presscon na ibinigay ng produksyon para sa TV host-singer-songwriter noong Huwebes ay tinanong muna namin ang program manager ng YFSFK kung bakit si Ogie ang kinuha nila at bakit tinanggal si Jed.

“Nu’ng nag-brainstorming kami (production) for the show, since kids ‘yan, dapat siguro parent ang judges para alam nila ‘yung dynamics sa mga bata. Tapos naisip lang namin si Ogie nu’ng nakikita namin siya rito kasi may guestings siya. At that time hindi pa naman siya inaalok.

Kaya sabi ni Lui (Andrada, Business Unit Head), Ogie is perfect.

“Kaya do’n na nabuo, tapos si Jed, tinawagan ko mismo and in-explain ko ‘yung sitwasyon at naintindihan niya, hindi siya tinanggal dahil siya pa rin naman sa adult,” katwiran sa amin ng isa sa bossing ng programa.

Sa dami ng singers at magulang na rin sa ABS-CBN, bakit si Ogie? “Bakit hindi? Icon siya in terms of music, saka alam niya ‘yung dynamics nga, malaki ang maitutulong niya sa show in terms of music kasama nina Gary Valenciano at Sharon Cuneta,” diin ni Lani.

Tinanong namin si Ogie kung bakit ngayon lang siya lumipat sa ABS-CBN, “Hindi po kasi madali mag-decide especially when you’re at the crossroads of your career. Marami ka nang ginawa.

“Bakit ngayon lang? I guess it was time. Sabi nga, in God’s perfect time. Pero parang ito yung perfect time na ginawa ni God for me to come back. So, yun lang.

“Siya yung parang nagmaniobra ng lahat para maging ito yung tamang oras for me to come back. You know, hindi naman siya isang gabi lang nangyari. It was a process.

“Nagkataon lang na naimbitahan ako lagi mag-guest sa ASAP at kung saan-saan pa,” aniya pa.

Nabanggit pa ni Ogie na isa sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang offer ng ABS-CBN ay dahil complete package raw ang nakita niya in terms of music.

Puwede raw kasi siyang mag-compose ng mga awitin para sa ibang singers ng network, puwede rin siyang mag-host at higit sa lahat, gusto rin niyang magkaroon ng sitcom tulad ng ginagawa niya noon.
“Kasi komedyante ako. Yung straight sitcom talaga ha, kasi mahirap ang maraming characters, kaya gusto ko isang role lang til the end,” ani Ogie.

Sundot namin kay Ogie na ang Kapamilya network pala ang nakitaan niya ng complete package, bakit hindi pa siya dumiretso agad sa Dos at sumegue pa siya sa TV5?

Hindi kaagad nakasagot si Ogie at panay ang buntong hininga, “E, kasi at that time, they (TV5) offered also the same platform. I won’t explain what happened. It changed, things changed. And ganu’n ang nangyari, eh. Grabe ang safe (biro niya)!”

Kinlaro rin niya na never siyang nagkaroon ng executive position sa TV5 kundi tumulong lang daw siya roon.

“But I want to say this, I am very, very thankful to them for all that they offered and love for me, things happened for a reason and we don’t know, hindi natin (hawak ang mangyayari) and may respect for the owner MVP (Manny V. Pangilinan) and the rest of the executives will remain and same goes to GMA 7, all my respect to them,” seryosong paliwanag ni Ogie.

Totoo bang isa sa dahilan kaya siya lumipat ng Kapamilya ay dahil mas malaki ang talent fee niya kumpara sa offer noon ng Kapatid network, “Yung usaping pera kasi, I don’t really wanna talk about it.

“I don’t think it’s ethical for me to talk about it. But it has never been the priority of mine (money). As I said, I’ll go where the work is, and I stand by that.

“At the time, that’s where I felt that I would be able to use the gifts that I was given. So I went there (Kapatid network). Hindi naman kaila sa inyo na malapit ako kay MVP (ninong nila sa kasal ni Regine Velasquez).

“He needed help. He felt that I could help. So I went there. It was a commitment that I made, and I fulfilled that commitment. Now I’m being offered to work again (ABS-CBN). Yun lang naman yun. It’s never about money. It’s about work,” diin ni Ogie.

Read more...