PINAYAGAN ng Sandiganbayan si dating senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na mabisita ang kanyang may sakit na amang si Ramon Revilla Sr.
Sa isang resolusyon, sinabi ng anti-graft court First Division na inaprubahan nito ang kahilingan ni Revilla na mabisita ang kanyang ama mula alas-2 ng hapon hanggang alas-8 ng hapon ngayong araw sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.
“The Court grants the motion for humanitarian consideration. As prayed for, accused Revilla is hereby authorized to visit his father at the St. Luke’s Medical Center, BGC,” sabi ng anti-graft court.
Inatasan ng korte si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na makipag-ugnayan sa court sheriff para sa pagbibigay ng seguridad kay Revilla.
Nahaharap si Revilla sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
Sandigan pinayagan si Revilla na mabisita ang may sakit na ama
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...