SA ibang bansa nga (Hawaii) magdiriwang ng Kapaskuhan si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby Aquino-Yap base na rin sa ipinost ng TV host sa kanyang Facebook account recently.
“Tomorrow (Wednesday) my sons & I are leaving for my health examination abroad. To all of you who patiently waited for me to return to the work I love most & the work you’ve missed me doing- January 2017 starts a full slate for me.
“But I wanted to reassure my siblings & my sons that my health will be at its best. Kaya sa-sacrifice na namin ang Pasko here para malaman namin what I need to do to be at my best physical condition so that I can give my 100% to my family & my career. #ThisIsReal! @krisaquino.”
Tinext namin si Kris kung nandito na sila sa Bagong Taon pero hindi pa kami sinasagot kaya pakiramdam namin ay sa baka sa Enero, 2017 na ang balik ng mag-iina.
Nag-post din si Kris sa kanyang online blog ng kanyang pagbisita sa Sonya’s Garden na matatagpuan sa Alfonso, Tagaytay. Ito ang unang episode niya para sa kanyang online show.
Nakakapagtaka na ngayon lang nadiskubre ni Kris ang Sonya’s Garden na sa tagal ng programa niyang Kris TV ay hindi niya ito nadalaw.
At para mas ma-appreciate ang Sonya’s Garden ay panoorin ang post ni Kris sa kanyang FB page.
Hindi ipinakita ni Kris ang magagandang bahay na tinutuluyan ng mga guest ni Ms. Sonya dahil napaka-homy at puwedeng maglaro ng hide and seek sa sobrang laki para sa malaking pamilya. May cottages din na para sa konting miyembro ng pamilya at mayroon din para sa honeymooners.
Mas binigyan ni Kris ng atensyon ang magagandang halaman sa paligid ng Sonya’s Garden pati na ang ibang parte ng lugar na sobrang nakaka-relax tingnan.
Sa pagbalik ni Kris sa 2017 ay umaasa ang followers niya na maayos na kanyang ang kalusugan para mas marami pa siyang ma-feature sa kanyang online show.
Samantala, ngayong 2017 nga ay magiging busy na uli ang Queen Of All Media dahil full operational na ang itinayo niyang Kris TV Corporation kapartner ang APT Entertainment na pag-aari ng manager niyang si Tony Ruviera.
Sa katunayan, bago siya umalis ng bansa ay pina-bless na muna niya ang kanilang opisina na pinangunahan ng kaibigan niyang si Fr. Betbet. Sinabi ni Kris na naka-register na sa Securities and Exchange Commission ang kanilang korporasyon.
Sabi ni Kris sa kanyang Facebook post, “I’m excited to see KRISTV Corp. grow as our new venture flourishes. Super excited for my new chapter. Maraming bago. Finally doing things I never thought I would be doing. Thank you Lord! #ThisIsReal!”