Magkaka-girlfriend ba ngayong Pasko?

Sulat mula kay Andrei ng Piang, Dimasalang, Masbate
Dear Sir Greenfield,

Sa ngayon po ay wala akong girlfriend kaya lungkot na lungkot ako lalo na’t iisiping magpa-pasko pa naman po. At sa totoo lang pos a edad kong 26 na nitong nakaraang December 7, kahit kalian di pa ako nagkaka-girlfriend. Kaya naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong magka-girifned at kung magkaka-girlfriend ako aabot pa kaya sa pasko? December 7, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Andrei ng Dimasalang, Masbate
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May gumitaw na Guhit ng Pakikipag-relasyon (1-1 arrow 1.) sa iyong palad patungo sa Fate Line (2-2 arrow 2) at ganap silang nagpatong (arrow 3.). Ibig sabihin, hindi ka dapat kabahan o malungkot dahil sa edad mong 26 sa kasalukuyan, tiyak ang magaganap hindi matatapos ang taong ito ng 2017 magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Nine of Hearts at Queen Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa mapalit na hinaharap matutupad ang iyong “Christmas wish”, isang babaing dati mong kakilala ang iyong magiging girlfriend na may pangalang nagsisimula sa letter “E” or “L”.
Itutuloy…

Read more...