Maine bumisita sa Aeta community nang walang media

MAINE MENDOZA

MAINE MENDOZA

WHEN Maine Mendoza visited an Aeta community recently, she did it on her own.

Wala siyang kasamang press, wala itong network coverage, she was just there to spend a little time with the natives.

When it surfaced on the internet, nagdiwang at nagbunyi ang kanyang fans. For them, it was worthy of emulation dahil ipinakita ni Maine ang kanyang sincerity when she did not bring the “usual suspects” (press) sa kanyang pagbisita sa mga katutubo.

“I think that was a project of SMU and of course, support siya. It’s nice though na cameras lang ng fans ang nakabuntot sa kanya. Hindi kasama ang EB or GMA. I also love that a lot of ADN groups have charity projects this month. Nakaka-proud.”

“Hindi ako fan pero natutuwa ako sa batang ito. Madalas ako makakita ng ganyan na artista. pero siya ay isa sa kakaunting artistang tumutulong ng walang camera ng GMA o ABSCBN, walang pagpopost sa sariling social media accounts (na pwede niyang gamitin yun bilang malakas sila sa social media) tungkol sa kabutihang ginawa. Naway marami pang tulad mo. Huwag ka sana magsawa tumulong sa kapwa.”

“Yung mga nega at arroganteng starlets should take lessons in humility from Maine. Love this girl!”

Read more...