‘Destined To Be Yours’ ng AlDub sa Quezon ang taping

By Jun Nardo December 15,2016
share this

‘Destined To Be Yours’ ng AlDub sa Quezon ang taping

By Jun Nardo December 15,2016
share this

maine mendoza at alden richards

KUMPIRMADO na ang paggawa ng GMA primetime series nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon ito sa President ng Triple A na si Rams David, ang management team ng phenomenal star.

After ng story conference ng nakaraang mga araw, next year na raw ang taping nila sa Quezon Province. Target itong ilabas ng Kapuso Network by February.

Wala pang sinabing final title ang series pero ayon sa fans nina Alden at Maine, Destined To Be Yours ang working title nito. Base naman sa ilang nasulat, si Irene Villamor ang director ng serye na siyang gumawa ng movie na “Camp Sawi.”

Komo location ang shooting, malamang mabawasan ang oras ni Meng sa Eat Bulaga. Hindi biro itong series nila dahil usually ay three to four days ang taping nito.

“Pero hindi pa rin siya mawawala. Nandoon pa rin siya,” sabi ni Rams.

Ilan sa nabalitaan naming kasama sa series ay sina Janice de Belen, Ina Feleo at Lotlot de Leon.

Kailan lang ay muling ininterbyu ni Kris Aquino si Maine. Mahaba-habang chikahan ang naganap sa pagitan ng dalawa na ilalabas uli ng TV host-actress sa kanyang Face Book blog.

Pero sa ngayon, gusto munang tutukan ni Kris ang kanyang health condition kaya nagtungo muna ito sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending