NASA bansa na ang ilang kandidata para sa gaganaping Miss Universe pageant ngayong January 30, 2017.
Marami ang excited sa okasyong ito though this early nga ay may mga nagrereklamo na sa umano’y sobrang mahal ng mga ticket para sa preliminaries gaya ng Swimsuit and Evening Gown competitions.
Sa iba’t ibang panig ng bansa idaraos para naman daw masaksihan at maging bahagi ng history ang mga Pinoy sa buong bansa na talagang sumusubaybay sa pinakasikat na beauty contest sa mundo.
Asahan na nga raw natin na hindi lang ang mga kilalang celebrities sa mundo ng showbiz, sports and lifestyle, pati na rin ng politics ang muling lilikha ng kasaysayan, kundi pati na rin ang pinakamagagandang babae sa buong universe.
Kasabay nito, mas pinaigting pa ng mga otoridad ang security sa iba’t ibang panig ng bansa na nakatakdang bisitahin ng mga kandidata. Kailangang siguruhin ng PNP at AFP ang seguridad ng bawat kandidata at delegado sa Miss U.