HINDI man nag-kampeon ay ikinatuwa ng mga Pilipino na pumangatlo sa “France Has Incredible Talent” ang bulag na Pinay singer sa Finale ng paligsahan na ginanap Miyerkules ng umaga sa Pilipinas.
Binigyan ng standing ovation si Katchry Jewel Golbin o kilala sa kanyang stage name na Alienette Coldfire sa kanyang rendition ng kantang “Quand on n’a que l’amour” (When Love Is All You Have) ni Jacques Brel bilang kanyang finale performance sa nasabing kompetisyon.
Matatandaan na unang nag-viral si Golbin sa kanyang audition piece na “I Dreamed A Dream” ng Les Miserables kung saan mapapanood pang napaluha ang isang judge.
Bago pa ito, nag-viral na si Golbin noong 2014 nang makunan ng video habang kinakanta ang “I’ll Be There” ni Mariah Carey sa isang mall sa Iloilo.
MOST READ
LATEST STORIES