KAPAMILYA na nga ang respetadong singer-songwriter na si Ogie Alcasid matapos siyang opisyal na ipakilala bilang isa sa mga hurado ng “Tawag Ng Tanghalan” sa It’s Showtime nitong Sabado.
Gaya ng ibang mga hurado sa inaabangang patimpalak sa kantahan tuwing tanghali, kikilatisin ni Ogie ang performances ng singing contenders mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila.
Unang araw pa lang ni Ogie sa “Tawag” ay pinasaya na niya ang madlang people dahil sa kanyang komentaryong may kasamang mga nakakatawang biro. Sa ginanap namang Pinoy Boyband Superstar: The Grand Reveal last Sunday ay pinangalanan din siyang isa sa judges ng Your Face Sounds Familiar: Kids na magsisimula sa 2017.
Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang “Tawag Ng Tanghalan,” sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN.
Ang tanong ng supporters ni Ogie – sumunod na rin kaya ang kanyang asawang si Regine Velasquez sa ABS-CBN? Pero kung kami ang tatanungin, hindi siguro iiwan ng Songbird ang GMA dahil hindi naman siya pinababayaan ng network.