Di kinakaltasan ng SSS

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ang tatay ko ay laging nagpapa-deliver ng inyong diyaryo kaya naman nagkainteres ako na sulatan kayo lalo’t kakasimula ko palang ng trabaho last month.

Ang sabi ng manager namin ay six months under evaluation pa ako o probationary muna. Kung maganda naman ang record ko ay saka pa lamang ako ireregular at dahil hindi pa raw ako regular employee ay wala munang kaltas. Pero gusto ko na sanang makapaghulog ng Philhealth at SSS. Tama po ba na hindi muna ako pwedeng kaltasan dahil hindi pa ako regular or pupuwede naman na voluntary contributions muna? Salamat po at nawa’y higit pang pagpalain ang inyong pahayagan. Thanks

Miradlor Castaneda
Kapitbahan, Navotas
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na lahat po ng Formal Economy members (employed) ay ang mga miyembro na may formal contracts and fixed terms ng employment, kabilang dito ang mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor (job order contractors at project-based contractors). Kung kayo po ay may pinirmahang kontrata, kayo po ay nararapat na mayroong PhilHealth deduction at iba pang government mandated benefits.

For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.

For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph

Thankyou.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Read more...