Osang binantaan ang basher na kumontra sa same sex marriage

rosanna roces at blessie arias

GALIT na galit si Rosanna Roces nang mabasa ang komento ng isang netizen tungkol sa pagpapakasal niya sa kanyang lesbian partner na si Blessy Arias.

Grabe ang pinakawalang salita ni Osang laban sa nasabing basher na kumokontra sa same sex marriage.

Last Saturday ay nagpakasal sina Rosanna at Blessy sa ikalawang pagkakataon na ginanap sa Alexas Gardens Venues, sa Antipolo, Rizal. Unang ikinasal ang dalawa sa Canada last September.

Nagsimula ang pagpapalitan ng maaanghang na salita as pagitan ni Osang at ng Facebook user na si Jean Nunez nang magkomento ang huli sa balitang inilabas ng GMA Network tungkol sa pagpapakasal nina Osang at Blessy.

Ayon sa FB post ng basher, “Sabi ni GOD na humayo kayo at magpakarami. Paano kayong dadami eh parehas kayong FINGERS ang gamit.”

Siyempre, hindi ito nagustuhan ni Osang kaya agad niyang sinagot ang netizen. Binantaan pa niya ito na kapag nagkita sila nang personal ay sasaktan niya ang babae.

Palabang sabi ng dating sexy actress, “Eto ang ehemplo ng mga taong malabnaw pa sa taho ang utak. Ang hirap kasi sa mga animals na Bashers ng Lgbt.

“Pag sinabing SAME SEX…naiiwan ang salitang SEX sa kamalayan nila. Kaya imbis na makita ang KARAPATAN…KALIB***GAN at KALASWAAN ANG sinasaksak sa kukote.”

Pagpapatuloy pa ni Osang, “Lalo na tong mukhang bilat na hinilat na to. (Sana makasalubong kita. Para makita mo kung paano ko pababakatin tong mga daliri ko sa mukha mo!!!)

“Eto dapat ang lahi na na di dapat pinadadami. Magkakalat lag to ng kabalatubaan at kabobohan!”

Read more...