‘I will kill you’ na pahayag ni Duterte hindi krimen – Ombudsman

HINDI umano isang krimen ang pahayag ni Pangulong Duterte na ‘I will kill you”.

Ito ay ayon mismo kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Pero ibang usapan na umano kung mayroong mga opisyal at empleyado ng gobyerno na sumunod sa kanya.

Sa kanyang pagharap sa Meet the Inquirer Forum Martes ng hapon, sinabi ni Morales na hindi masama ang pahayag ni Duterte na ‘I will kill you’ kaugnay ng kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

“It’s not illegal to say I will kill you,” ani Morales na nakasuot ng pulang t-shirt na may nakasulat na “Stop Killing Journalists”.

“But whether he makes good of that intention, again, it’s a different story,” dagdag pa nito.

Ayon kay Morales normal lamang na maalarma ang isang Kristiyano sa ganitong pahayag ni Duterte.

“If you are a christian and you hear those things you are of course alarmed because I will kill, I will kill but that’s mere intention whether or not he’ll carry it out or he is carrying it out is a different story,” dagdag pa ng lider ng Office of the Ombudsman.

Kung sakali umano na wala na sa puwesto si Duterte at nakakuha sila ng ebidensya na mayroon itong nagawang krimen katulad ng extrajudicial killing, magsasampa ang Ombudsman ng kaso sa korte.

“If he steps down and we investigate the case, and we find that he committed a crime, he’ll already be stripped of immunity, then we will have him indicted in court.”

Sa pagmumura at iba pang makukulay na pahayag ni Duterte sinabi ni Morales na hindi niya kinausap ang Pangulo upang baguhin ito.

“That is very unpresidential of course, but he says it’s his style so unless he modifies his style, it remains to be his style.”

Read more...