BUKAS ang pintuan ng TV5 para kay Kris Aquino. Ito ang siniguro ni TV5 President and CEO na si Chot Reyes nang makachikahan ng entertainment press kahapon.
Ayon sa opisyal ng Kapatid Network, lahat naman daw nang gustong maging bahagi ng kanilang istasyon ay welcome na welcome, lalo na ‘yung mga naniniwalang makakatulong ang TV5 sa kanilang mga career.
Marami ang nag-akalang sa TV5 na mapapanood si Kris dahil nga sa one-on-one interview sana ng TV host kay Pangulong Rodrigo Duterte na ieere sana sa Singko. Ngunit napurnada nga ito dahil hindi sumipot ang presidente.
Ayon pa sa TV5 president, kung kakayanin nila ang talent fee ni Kris, mainit nila itong tatanggapin sa kanilang network, “Like I always say, we are open to anyone, kung gusto nila kaming makatrabaho, bakit hindi, for as long as we can afford them.”
Samantala, inisa-isa rin ni Chot Reyes ang mga magiging pasabog ng TV5 sa pagpasok ng 2017. Una na riyan ang coverage ng Miss Universe na gaganapin dito sa Pilipinas sa Jan. 30, 2017. Sa TV5 mapapanood ang Swimsuit presentation ng mga kandidata sa Jan. 27 habang sa Jan. 29 naman ang Evening Gown competition, bilang bahagi pa rin ng pre-pageant.
Bukod dito, makikipag-collaborate rin sila sa awad-winning Filipino director na si Brillante Mendoza. Ito ang napili nila para magdirek sa 13-episode mini-series ng Kapatid Network na magsisimula sa first quarter ng 2017.
Si direk Dante rin ang gagawa ng monthly thematic short films na network na pagbibidahan ng promising TV5 talents. Ayon kay Chot Reyes, nais nilang dalhin sa mga tahanan ng bawat Pinoy ang ganda at kalidad ng indie filmmaking sa Pilipinas at imulat ang mga ito sa iba’t ibang mukha ng bansa sa makabagong panahon.
Nangako naman ang pangulo ng TV5 na mas ile-level up pa nila ang kanilang sports program at mga animated shows para sa kanilang loyal viewers. Hirit pa ng Kapatid executive, “We want to be different this coming 2017, kaya sana patuloy silang tumutok sa TV5 dahil para sa kanila ang mga gagawin naming pagbabago next year.”
Speaking of Kris, sa ibang bansa pala sila magse-celebrate ng Pasko ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. May naka-schedule raw kasing medical examination ang TV host kaya kailangan nilang doon mag-stay nang ilang linggo.
Sa kanyang social media account, nagpaalam si Kris sa kanyang mga supporter at nangakong sa pagpasok ng 2017 ay may bonggang sorpresa siya sa madlang pipol.
Narito ang kabuuang mensahe ni Kris: “Tomorrow my sons & I are leaving for my health examination abroad. To all of you who patiently waited for me to return to the work I love most & the work you’ve missed me doing- January 2017 starts a full slate for me.
“But I wanted to reassure my siblings & my sons that my health will be at its best. Kaya sa-sacrifice na namin ang Pasko here para malaman namin what I need to do to be at my best physical condition so that I can give my 100% to my family & my career. #ThisIsReal!”