LIMANG buwan matapos ang kampanya ng administrasyon kontra droga, nagdeklara ang 16 sa 1,066 barangay sa Cebu na “drug-free” na ang mga ito.
Nasasakupan ang 16 na barangay ng tatlong munisipalidad kabilang na ang Alcoy, Boljoon, at Santander, ayon kay Senior Supt. Eric Noble, director ng Cebu Provincial Police Office (CPPO).
Kabilang sa mga nagdeklarang drug-free ang Barangays Pasol, Pugalo, Poblacion, at San Agustin sa Alcoy; Arbor, Baclayan, South Granada, Lower Becerril, Luntop, San Antonio, at Nangka sa Boljoon; at Candamyang, Liptong, Lo-oc, at Pasil sa Santander.
“The best Christmas gift authorities can give to Cebu is to make the barangays drug-free,” sabi ni Noble.
MOST READ
LATEST STORIES