Mother Lily may pakiusap sa press para sa anak

mother lily

UMIRAL din ang pagiging ina ni Mother Lily Monteverde sa anak niyang si Dondon Monteverde.

Panay ang lambing niya sa press na tulungan ang festival entry na “Seklusyon” na produced ng Reality Entertainment at ni director Erik Matti.

Sa simula, nagalit si Mother nang hindi mapili ang pinasok na entry na “Mano Po 7 Chinoy” at nakuha naman ang “Seklusyon” ng anak. Eh, magkatuwang sina Dondon at Erik sa pakikipaglaban ng pagbabago sa Metro Manila Film Festival this year.

Dahil sa nangyari sa entry ng Reality Entertainment last year na “Honor Thy Father”, nabulabog ang namamahala sa festival. Napalitan ang mga taong ilang years na rin sa Executive Committee. Sa hearing, dinaluhan ang ilan dito ni Mother.

Sa totoo lang naman, madaling humupa ang galit ni Mother. In the end, namayani pa rin ang pagmamahal sa anak. So hayun, nilibre ni Mother ang kanyang Valencia Events Place pati na pagkain para sa grand presscon ng movie ngayong week na ito.

Bibiyahe muna bukas si Mother kasama ang pamilya. Pero dito rin sila magpa-Pasko dahil birthday ng asawa niyang si Father Remy Monteverde sa Dec. 25.

Kampante na rin kasi ang Regal producer sa promotions ng “MP 7” pati na ang entry nitong “Die Beautiful”, kaya ie-enjoy na lang niya ang holidays kasama ang pamilya.

Read more...