Sino ang makakatukyan sa dalawang BF? (2)

 

Sulat mula kay Sheila ng Mayamot, Antipolo City, Rizal

Problema:

  1. Naguguluhan po ako sa dalawang boyfriend ko sa kasalukuyan kaya naisipan kong sumulat sa inyo. Gusto ko na po kasing mamili na sa kanila at sa susunod na taon ay balak ko na pong mag-asawa, 31 na kasi ako sa ngayon at mag-32 na next year.
  2. Hindi ko po malaman kung sino ang dapat kong piliing sa kanilang dalawa, at kung sino ang ka-compatible ko na kapag ako nag-asawa na ay magiging maunlad at habang buhay na maligaya?  August 13, 1983 ang una kong boyfriend na tawagin na lang nating Mr. Leo at May 14, 1984 naman ang ikalawa na tawagin na lang nating Mr. Taurus, habang December 27, 1985 naman po ang birthday ko.

Umaasa,

Sheila ng  Antipolo City

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ayon sa zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing higit mong ka-compatible ang isang Taurus kung ikukumpara sa isang Leo. Ibig sabihin kung mamimili ka na sa dalawang boyfriend mo, mas mabuting ang piliin mo ay si Mr. Taurus na isinilang noong May 14, 1984.

Numerology: 

Samantala ang birth date mong 27 ay nagsasabing higit mong ka-compatible siyang may birth date na 14 kung ikukumpara sa may birth date na 13. Ibig sabihin tulad ng nasabi na, mas mainam kung ang pipiliin mong mapangasawa sa dalawang BF mo ay si Mr. May 14, 1984 sapagkat sa kanya ka uunlad at habang buhay na magiging maligaya.

Physiognomy:

Sinasabing ang lalaking makakatuluyan mo ay may balingkinitan hanggang sa maskulado ang  pangangatawan na may kayumanging kulay ng balat. Kung sino ang mas malapit sa nasabing deskripsyon sa dalawang BF, walang sablay yon na nga ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Huling payo at paalala:

Sheila ayon sa iyong kapalaran, ang makakatuluyan mo sa dalawang boyfriend mo sa ngayon ay si Mr. Taurus kung saan ang nasabing pag-aasawa ay tinatayang magaganap sa susunod na taong 2017 sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo sa edad mong  1 pataas, kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay sigurado namang hahantong sa isang masagana at maligayang pagpapamilya habang buhay.

Read more...